tubig alat at itlog


EKSPERIMENTO ni ATHEENA


lulutang kaya ang itlog o hindi?


hypothesis o palagay

Ito ay isang palagay o prediksyong sumasagot sa tanong ng pananaliksik. Ayon kay Gay (1976), ang "hypothesis ay isang pansamantalang pagpapaliwanag para sa ilang mga pagtugon, mga kalakaran, o pangyayari na nangyari na o mangyayari pa lamang".


McGuigan (1978)

Ang hypothesis ay isang pahayag na naglalahad ng pag-uugnayan ng dalawa o higit pang variable.

katangian ng epektibong hypothesis


1. Nararapat na maging makatwiran ang isang hypothesis.
Nararapat na nakabatay rin ang hypothesis sa mga dati nang kaalamang natuklasan noong una pa.
2. Nararapat na malinaw na mailahad ng hypothesis ang pag uugnay- ugnay ng mga variable na gagamitin.
3. Ang hypothesis ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng mga isasagawang eksperimento.

Ito’y pwedeng subukin at suriin.
Ito’y dapat na batay sa datihang mga resulta.

tungkulin ng hypothesis

1. Isineset nito ang iyong kaisipan sa simula pa lamang ng iyong pag-aaral.
2. Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng iyong imbestigasyon.
3. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na iyong pag-aaralan.

dalawang uri ng hypothesis

1. Null Hypothesis
-pinalalagay na walang pagkakaiba,relasyon,pagkakaugnay ,epekto o interaksyon.
Halimbawa: Hindi lulutang ang itlog sa tubig-alat.
-Nais patunayan ng pananaliksik ang kabaligtaran ng kung ano ang nakagawian, kaya't nasa baligtad na pahayag ang nilalaman ng null hypothesis.
-Kadalasang inererekomenda ito ng mga istatistisyan para gamitin sa pag-aaral dahil sa sinasabi nila na ang pagkakamali sa pagtanggap o pagtanggi sa hypothesis ay maiiwasan kung ang null ang siyang gagamitin.

2. Alternatibong Hypothesis
• Kabaliktaran ng null hypothesis
• Tinatawag ding Research Hypothesis o Alternatibong Palagay
• Ipinahihiwatig nito na ang palagay ay may:
PagkakaibaPagkakaugnayanEpekto o interaksron sa mga variableHalimbawa: Ang itlog ay lulutang sa tubig-alat.


© Untitled. All rights reserved.

( Made with Carrd )